Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for global professionals · Monday, March 31, 2025 · 798,630,215 Articles · 3+ Million Readers

Inilahad ni Senador Imee Marcos sa isang press conference ang mga paunang natuklasan mula sa hearing ng Komite ng Foreign Relations sa Senado noong Marso 20

PHILIPPINES, March 27 - Press Release
March 27, 2025

Inilahad ni Senador Imee Marcos sa isang press conference ang mga paunang natuklasan mula sa hearing ng Komite ng Foreign Relations sa Senado noong Marso 20

Pinangunahan ng senador ang imbestigasyon upang malaman kung may paglabag sa Saligang Batas at soberanya ng bansa sa nangyaring pagdakip ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte.

Napag-alamang walang legal na obligasyon ang Pilipinas na arestuhin ang dating pangulo at isuko siya sa ICC tungkol sa mga alegasyon na paglabag sa karapatang pangtao. Walang Red Notice sa kanyang pagdakip at isang Diffusion Notice na hindi dumaan sa International Police Organization (Interpol) lamang ang ginamit ng Philippine National Police (PNP) upang ipilit ang legalidad ng kanilang ginawang pag-aresto.

Tungkol sa sinabi ni Secretary of Justice Crispin Remulla na ang mga indibidwal ay nasa ilalim pa rin ng International Humanitarian Law (IHL) kahit hindi na kabilang ang Pilipinas sa hurisdiksyon ng ICC ay hindi katanggap-tanggap sapagkat hindi naman war crimes ang inaakusa kay FPRRD at ang mga proseso ng paglilitis ay hindi naman parte ng customary international law.

Malinaw sa imbestigasyon ni Senador Marcos na nagpasya ang pamahalaan na tulungan ang ICC sa pagdakip kay FPRRD. Ang ginamit na Diffusion Notice ay inisyu noong Marso 11 na araw din mismo ng ginawang pag-aresto sa dating pangulo. Samantalang Marso 10 pa lamang ay kumikilos na ang pwersa ng PNP at pinaghahandaan na planong pag-aresto.

Sinusubaybayan din ni National Security Adviser Eduardo Año ang mga galaw ng kampo ng dating pangulo; pati si Secretary of National Defense Gilberto Teodoro Jr. ay umaming nagbigay ng karagdagang suporta ang Armed Forces of the Philippines sa PNP; at ibinida ni Department of Interior and Local Government Secretary Juanito Victor Remulla, Jr. ang "group effort" na ginawa nilang base lang pala sa tsismis o narinig na mga usapin tungkol sa magaganap na pagdakip.

Higit sa lahat, natuklasan mula sa Senate hearing ni Marcos ang mga paglabag sa karapatan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isang kapwa Pilipino. Hindi nasunod ang due process sa ginawang pag-aresto at mismong si SOJ Remulla ang nagsabi na walang kinuhang warrant of arrest sa kahit na saang korte sa bansa.

Linabag din ang karapatan ni FPRRD na siya ay mabisita ng kanyang pamilya nang hindi payagan ni Gen. Nicolas Torre III ang kanyang anak na si Bise-Presidente Sara Duterte na makalapit sa sariling ama noong siya ay nasa Villamor Airbase pa lamang. Binalewala rin ang pahayag ng dating pangulo na ang pinipiling abugado ay ang bise-presidente at sa halip ay pinilit ni Gen. Torre na ang kagustuhan niya ang masusunod sapagkat siya ang namumuno sa pag-aresto.

Ipinagkait din ang karapatan ng ating kapwa Pilipino na madala sa korte pati ang kanyang karapatang kumuha ng interim release sa ilalim ng Article 59 ng Rome Statute o maging ang karapatang kumuha ng piyansa.

Diniin ni Senador Marcos na ang preliminary report na inilabas ngayong Huwebes, Marso 27, ay base sa testimonya ng mga kinatawan ng mga ahensya ng gobyernong may kinalaman sa pag-aresto kay dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release