Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for global professionals · Thursday, February 6, 2025 · 783,532,636 Articles · 3+ Million Readers

[Transcript of interpellation] Senator Risa Hontiveros with former Chief Justice Maria Lourdes Sereno

PHILIPPINES, January 28 - Press Release
January 28, 2025

[TRANSCRIPT OF INTERPELLATION] Senator Risa Hontiveros with former Chief Justice Maria Lourdes Sereno

Senator Risa Hontiveros (SRH): So just a few quick points and then one observation sa DepEd and then a few questions for the good former Chief Justice Sereno.

So dagdag lang po dun sa Section 14 sa Age- and Development- Appropriate Reproductive Health Education ng RPRH Law. Totoong ang sex education sa RH Law ay hindi limitado lamang sa biological facts. Naka-enumerate pa ang ibang mga topic tulad ng values formation, knowledge and skills in self-protection against discrimination, sexual abuse and violence against women and children, and other forms of gender-based violence and teen pregnancy, physical, social, and emotional changes in adolescence, women's rights and children's rights, responsible teenage behavior, gender and development, and responsible parenthood.

Pangalawa, quickly, Mr. Chair, yung study na cinite ng good former CJ, yung 2019, re-examining the evidence for school-based comprehensive sex education, a global research review by the Institute of Research and Evaluation, it was responded to by a study published in the National Library of Medicine, a study that reanalyzed and reassessed the aforementioned global research review and the evidence it included itong study of the National Library of Medicine to investigate the validity of that earlier study's conclusions and the extent to which they reflect the body of evidence on CSE na nabangit ko nga po kanina is at least three decades rich. So yung re-study on the first report, nag-assess po sa apat na aspeto ng IRE review. Analytical framework, study selection and inclusion, accuracy of findings, and overall conclusions. And the re-analysis revealed several inconsistencies and errors in each of the four elements examined that cast doubt on the validity of the report's conclusion.

In addition, it was found out the IRE report did not adhere to standards typical of scientific reviews. Its analysis of studies contained many errors, with 74% of them containing one or more discrepancies. The IRE report's conclusion did not entirely align with the data they themselves or itself presented. They inaccurately portrayed the collective body of evidence that they examined, and altogether, the NLM reanalysis and reassessment study showed that the IRE report fell short of meeting the scientific standards necessary to inform recommendations on CSE programs.

Third, and quickly, Mr. Chair, on the Singapore example, yes, CRE's curriculum on CSE is described as holistic and secular. It is taught through science lessons, character and citizenship education lessons in primary and secondary schools, in junior colleges and the Millennia Institute, and e-teens program in secondary schools, junior colleges and Millennia Institute. Singapore's sexuality education curriculum is organized around five themes, human development, interpersonal relationships, sexual health, sexual behavior, culture, society, and law. Sounds familiar po, Mr. Chair, parang yung CSE curriculum ng Department of Education.

And in Singapore, yes, abstinence before marriage is taught as the best course of action for teenagers to protect themselves from STIs and unwanted pregnancies. But, the curriculum also teaches facts about contraception, consequences of casual sex, and saying no to sexual advances. Its science lessons on sex ed even explicitly include explaining how some temporary methods like use of condom or diaphragm and permanent methods of birth control like vasectomy or ligation prevent pregnancy. Their lessons recognize that temporary methods of birth control are not 100% effective in preventing pregnancy and stopping STIs. And their lessons include discussions even on artificial insemination and in vitro fertilization.

Fourth and quickly, Mr. Chair, the Safe Schools Alliance mentioned, unfortunately, is also active in the country mentioned, the UK, in unfortunately undermining the right to schooling or formal education of trans youth.

Fifth, Mr. Chair, the paper mentioned, the one that ends in Europe, precisely, it was a study that was commissioned for use in Europe, whereas we, Mr. Chair, in the Philippines, we are in Asia.

Sixth, Mr. Chair, masaya ako sa pagbanggit kay former DepEd Secretary Briones dahil sila mismo ang pumirma dun sa Department Order No. 31 noong 2018.

Seventh, Mr. Chair, binanggit na without congressional permission, yung pagpapagamit ng pondo para sa CSE. That is inaccurate, Mr. Chair. I just need to quickly review the pertinent provision in the RPRH Law at pati ang IRR sa RPRH Law which has to do with appropriations para sa CSE.

Eighth, Mr. Chair, binanggit po ang Likhaan, si Dr. Sylvia o Guy Estrada Claudio at ang Philippine Legislators Commission on Population and Development, I am proud to be associated with all of them, Mr. Chair, hanggang po sa ngayon.

And lastly, quickly, Mr. Chair, before my few questions, sa Thailand, ang kanilang comprehensive sexuality education dates back to 1938, halos isang century na po, Mr. Chair, and includes as of today.

Dahil progressive po yung legislation natin, progressive din po yung implementation mga executive, and today includes reproductive health, sexual safety, social skills, at saka yung kakayahan ng ating mga anak at mga estudyante to make informed decisions.

So just one quick observation, Mr. Chair, para sa DepEd. DepEd, tama po ba na napakinggan at patuloy ninyong pakikinggan ang mga pananaw nina former CJ Sereno at ang mga katulad na pananaw? Tama po?

DepEd: Tama po.

SRH: Alright at dapat lamang po patuloy i-note ang mga ito. Lastly, Mr. Chair, a few questions for the good former Chief Justice Sereno. Dahil former CJ and Mr. Chair, nabanggit na po natin ang kasong Imbong v. Ochoa kung saan tinalakay ang constitutionality ng RPRH law.

At gaya ng nasabi ni Asec. Domingo ng DOH, malaking hakbang ang pag-validate ng Korte Suprema sa RPRH Law sa pangangalaga ng kalusugan ng kabataan. Bilang isa sa nagpasya rito, may ilan pong akong mga tanong sa good former CJ Sereno.

Nabanggit niyo po, former CJ, sa inyong mga nakaraang statements na hindi compatible ang CSE with the Philippine context. But you were part of the Supreme Court that upheld the constitutionality of the RPRH's provision on age- and development-appropriate reproductive health education, on which DepEd based its department order.

Pero hindi po ba, former CJ, sinabi nyo sa concurring opinion nyo sa RPRH law na, "Nangangailangan ding mabigyan ng kaalaman ang menor de edad na nanganak o nagkaroon ng miscarriage."

In your own words, former CJ, pinadiinan nyo pa ang pangangailangan ng edukasyon, tulong sa mga menor de edad na maagang namulat sa mga bagay na sekswal. So, how is it now that you do not support initiatives which recognize this very idea, na kayo mismo ay ginamit ito para mag-desisyon na yung relevant RPRH provisions ay constitutional, Mr. Chair?

Former CJ Sereno: Babalik po ako dun sa aking chart. Pwede po ba yung pinaka-first slide ko? Ang tinackle ng RH Law is sex education. Yun yun, nasa first section, plus the social policy of helping all teenagers even who are experiencing these social issues.

Doon sa first column po, malinaw, pasok doon ang RH Law. Pero itong CSE, which is a brand, which is a technical term, ang layo po. Kung pupunta ngayon ang CSE sa isang litigation, natatanungin, paano niyong pag-uusapan ang sexuality, ang identity, paano niyong pag-uusapan ang multiple personalities paano niyong pag-uusapan ng identity crisis within the ambit of the RH Law, marami pong papasukan na hindi pasok dun.

Compatible ang aking pananaw, medyo yung mga mas conservative po medyo nagtampo nga sa akin nang husto kasi partially nag-dissent po ako dun sa mga tinanggal nila.

Kaya ang pananaw ko po Senadora Risa, para ho magkaintindihan ang buong bayan. Agree ho tayo sa sex education, which the NCFC really wants. Agree po tayo sa parental equipping which the good RA on the Parental Equipping Service Program of Senator Gatchalian patterned after Valenzuela's Nanay Teacher successful program. Agree po tayo na kailangan ayusin ang teen pregnancy at ang health concerns. Pero kailangan po ang clear boundaries po natin, inisa-isa ko na po may mga bagay na hindi po pwedeng sabihin at i-justify under the RH Law.

Pag-usapan po natin yun under another bill, maaring sa SOGIE Bill po, maaring sa ibang klaseng bill, pero hindi ito justified under the RH law. So consistent po ako, ma'am.

SRH: Salamat, former CJ, Mr. Chair. Pati sa pag-affirm na nagkakaisa na tayo tungkol sa sex education, tungkol sa parental equipping, at tungkol sa paghanap ng mga paraan na mapigilan at pababain ang teenage pregnancy dito sa ating bansa.

I wish to make it of record also, former CJ and Mr. Chair, na para sa akin, yung evolution ng terms at contents from sex education at sexuality education at CSE ay bahagi, hindi lang ng progressive legislation, pero yung progressive na pagpa-pilot, pagi-implement, pag-evaluate, pagi-improve ng executive. Dahil ang batas po ay higit isang dekada na. Ang mga department orders ay ilang taon na rin. And bilang mga tao ay kailangan mag-evolve din po tayo.

Hindi po ito, para lamang sa akin po, in my humble opinion, Mr. Chair, hindi lamang po ito usapin ng branding. Para sa akin, ang sex education ay pasok sa sexuality education dahil hindi lang pisikal o biological pero yung kabuan ng pagkatao sa sexuality. At yung comprehensive ay isa pong adjective para ilarawan kung anong klaseng sexuality education. Kung ano po yung mga subjects, kung ano po yung mga paksa, definitely that should, and I understand from DepEd, be subject sa patuloy na improvement.

And then, pangalawang tanong ko po, Mr. Chair, para sa good former CJ, sa desisyon nyo rin po sa kaso laban sa RH Law, sumang-ayon kayo na ang ibang menor de edad ay nararapat lang bigyan ng impormasyon at serbiso kaugnay ng sexual at reproductive health.

At ito po ang sarili ninyong mga salita, "Kinikilala ng RH Law na hindi lamang edad ng isang tao ang tanging palatandaan upang mahandugan ng family planning services. Batid nito ang pangkasalukuyang sitwasyon ng paglaganap ng maagang pagkamulat at pagsubok ng mga kabataan sa kanilang sekswalidad. Nangangailangan ding mabigyan ng kaalaman, at kung kinakailangan, mahandugan ng modern family planning services kung ito ay kanilang gugustushin ang mga menor de edad na nanganak o nagkaroon ng miscarriage. Bilang isang hakbang sa pangangalaga ng pangkalahatang kalusugan, ang pagbibigay ng modern family planning services sam ga menor de edad na ito ay daan upang maunawaan nila ang mga kahihinatnan at kaukulang pananagutan ng pagiging isang magulang ngayong nabuntis na sila pati na ang pagbuo ng pamilya."

Sa iba pang parte, sinabi niyo na, "Sa bandang huli, ang pasya ng may katawan ang dapat manaig. At bagamat ang may katawan ay wala pa sa hustong gulang, kung siya ay nabuntis na, hindi dapat hadlangan ang kanyang kakayahang humingi ng tulong ukol sa reproductive health. Kahit walang pahintulot ng kanyang magulang sapagkat nakasalalay sa ganitong kakayahan ang kanyang kalusugan at mismong buhay."

So base po, Mr. Chair, former CJ, sa mismong mga salita niyo noon, sangayon po ba kayo na depende sa sitwasyon ng ibang kabataan, talagang kinakailangan silang bigyan ng kaalaman at serbisyo kaugnay ng sexual at reproductive health, Mr. Chair?

Former CJ Sereno: Sagot po ako, Mr. Chair and Madam Senator, malinaw po ang sinasabi kanina ni Asec. Domingo na kinatuwa ko na malaking bagay na buhayin ang bata o murang nanganak na. Sinabi niya na hindi pa kaya ng katawan, kaya kailangan tulungan. Yun po ang aking punto doon. Tulungan kasi buhay niya ang nakataya. Yun po ba ang pagkaintindi ko? And yun ho ang prinsipyo ko. Kung buhay na nung bata ang nakataya, lahat tayo magsama-sama tulungan nating mabuhay ang ina.

SRH: Salamat po, former CJ, Mr. Chair. So at least nagkakaisa tayo dun sa kailangang tulungan ang mga kabataang ito at tulungan din silang buhayin. Yung kabataan mismo, o kung nabuntis na siya at nanganak, silang mag-ina, or silang mag-iina, kung kasama pa yung halos kasing edad niya na batang ama. And then, i-note ko lamang po, so for the record, modern family planning services are acceptable even for adolescents, Mr. Chair. That is my understanding. I see the former CJ shaking her head.

Former CJ Sereno: Okay. May qualification po tayo, no? When you are offering it to adolescents, may proposal kayo po, Senadora, na hindi isasama ang mga parientes. Ang tanong ko po eh ano ho ang basehan na hindi natin isasama ang mga parientes sa desisyon na kumuha ng mga family planning contraceptions na ito? Mayroon po ba itong basihan sa batas?

SRH: Mr. Chair, with all due respect, although it is the members of the committee who ask questions, but dahil gaya ng sinabi ng DepEd, importante yung pag-uusap dito, isasama ko po yung reflection ko sa tanong ng former CJ sa pagsara ko sa tanong na ito and then move on to my last couple of questions, at nilinaw ko na po ito na walang pagtanggal sa parental authority, sa pagkainitindi ko sa CSE o anumang panukalang batas na nais patuloy na suportahan ang CSE sa diwa ng RPRH Law at sa diwa ng mga department orders ng DepEd or mga programa ng mga implementing agencies. And in fact, kasama po sa CSE ang mga magulang at guardians tulad ng kasama po sa CSE ang mga guro.

At partikular, dun sa Modern Family Planning Information and Services, sa mga batang at kabataang nabuntis na at nanganak na, kapag, I apologize Mr. Chair, it's not the topic of the hearing, pero pag dumako na po sa period of amendments, and actually naging subject na ng amendment by substitution ng iba pang panukalang batas, ia-align yung edad ng mga batang pwedeng tumanggap nitong modern family planning services kahit pa walang parental consent sa edad na 16, na aligned po sa batas laban sa statutory rape, which is the law na binanggit na rin po ng isang resource person natin, Mr. Chair, yung batas tungkol sa statutory age of consent.

Dahil kung kinikilala po natin na yung ating mga kabataan ay nandun sa ganyang mga sitwasyon at may karapatan magdesisyon, ay i-equip din po natin sila sa impormasyon, kaalaman at serbisyo at modern family planning methods para maisagawa yung sa tingin nilang informed decision para sa kanyang kabutihan.

And before I go to my last questions for the good former CJ, Mr. Chair, i-note ko rin po na sa RPRH Law, ito pong Section 3 ang depenisyon ng reproductive health. "Reproductive health, I think nabanggit na rin in part ng DepEd, refers to the state of complete physical, mental, and social well-being, and not merely the absence of disease or infirmity, in all matters relating to the reproductive system and to its functions and processes.

This implies that people are able to have a responsible, safe, consensual, and satisfying sex life, that they have the capability to reproduce, and the freedom to decide if, when, and how often to do so.

This further implies that women and men attain equal relationships in matters related to sexual relations and reproduction."

So just moving, Mr. Chair, to my last couple of questions for the good former CJ. Ayan, tamang-tama dahil kababanggit nyo rin lamang po. Patungkol naman po sa parental authority. Ito po ang sinabi nyo noon dun sa inyong desisyon sa RPRH Law.

"Sa ilalim ng RH Law, hindi pinagbabawalan ang mga menor de edad na may anak o nagkaroon ng miscarriage na humingi ng payo sa kanilang magulang at hindi pinagbabawalan ang mga magulang na magbigay nito.

Pinapalagay na hangad lamang ng mga magulang ang makabubuti para sa kanilang anak. Sa pagsasabi na hindi kailangan ang parental consent ng mga menor de edad na may anak o nagkaroon ng miscarriage bago mabigyan ang mga ito ng modern family planning services, pinanghihimasukan ng pamahalaan ang ugunayan sa pagitan ng menor de edad at ang nilapitan nitong medical health professional.

Kadalasan, pinagkakaitan ng reproductive health services ng mga pribado at pampublikong health professionals ang mga menor de edad dahil sa kaisipang masyado pa silang mga bata para magkaroon ng kaalaman sa mga bagay ukol sa kanilang sekswalidad.

Ang paghingi ng parental consent ang madalas na dahilan upang tanggihan ang ganitong pagsangguni ng mga kabataan. Minsan nga hinihiya pa ang mga ito. Ngunit kailangang tandaan na nagdalang tao na ang mga menor de edad na ito at hindi na masasabing wala silang muwang pagdating sa mga bagay na sekswal."

Ibig pong sabihin, walang paglabag o pangihimasok sa parental authority kung hindi naman pinagbabawal ng batas na humingi ng payo sa magulang o na magbigay ng payo ang magulang sa anak.

Dagdag pa sa sarili ninyong salita, kinilala niyo na ang ibang menor de edad ay maagang namumulat sa mga bagay na sekswal at kailangang tugunan ang kanilang pangangailangan. Hindi dapat maging balakid na minsan hinihiya pa ang mga batang ito. So, good former CJ, masasabi niyo po ba na ang desisyon niyong iyon ay base sa ating 1987 Constitution at naaayon sa batas, Mr. Chair?

Former CJ Sereno: Ang sitwasyon na malinaw ay buhay ay nakasalalay. At yung ating DOH na nagwo-worry kasi repeated daw yung pregnancies at nakikita yan ng ibang datos natin. Yun ang ating pinag-uusapan dun sa mga parte na yun. So sa larangan na yun na ang buhay ng tao ay nanganak na yung nanay, hindi maaring hindi tulungan natin. Kailangan natin pagtulungan at importante na kung magiging balakid ang pagtulong sa ina, ay isantabi na muna yung objection ng magulang sa ganong sitwasyon.

Sa ganong sitwasyon. Okay, marami po tayong pinag-uusapan dito about the health of the mother. Fully on board po ang mga parientes tungkol sa pagtulong sa mga ganoong sitwasyon. Kaya't noong una kaming lumabas, kami po, ng ating objection doon sa original bill na na-substitutan na, noong nakita namin na hindi kasama sa pagkalinga in a strong way ang mga magulang, malakas ang aming objection. Kasi kailangan kasama.

Kasi huwag natin i-presume na ang mga magulang ay itatakwil ang mga anak nila. Maraming Pilipino, kukupkupin pa sila. So yung attitude at approach, kailangan ayusin natin sa anumang bill na ating gagawin. Sa alang-alang, maraming matitinong mga magulang, bagamat mayroong mga magulang rin na kriminal. Yun ang pinag-uusapan ko dun. Sa awa natin, sa buhay ng ina at sa kanyang sanggol, kailangan nating tulungan.

SRH: Salamat Mr. Chair at sa former CJ. Nagkakasundo po tayo na indeed, buhay ang nakasalalay. Buhay ng batang ina, buhay ng kanyang baby. Kung kasama, ideally sa proseso nito, kung kasama pa yung batang ama, buhay nilang lahat ang nakasalalay at hindi maaaring hindi tulungan. Pero for the record, Mr. Chair, hindi po iyan yung sagot ng good former CJ ang sinabi po ninyo noon.

Dahil doon po sa desisyon ninyo sa RPRH Law na binasa ko po ang ilang bahagi, wala po tungkol sa paglimita sa life-threatening situations lamang. At malinaw po yun sa ipinut on record ko muli.

Malinaw po sa records ng korte, ang paliwanag po ninyo noon sa inyong desisyon, at iniiba lamang sa sagot niyo ngayon. Pero it stands, for the record, yun po ang desisyon niyo noon.

So, Mr. Chair, those are all my questions for the good former CJ right now. And I will join the chair in asking questions of the other advocates at the proper time. Salamat, Mr. Chair.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release