Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for global professionals · Tuesday, November 12, 2024 · 759,999,504 Articles · 3+ Million Readers

Transcript of Interpellation by Senator Risa Hontiveros - (PSA and NEDA-attached agencies)

PHILIPPINES, November 9 - Press Release
November 8, 2024

Transcript of Interpellation by Senator Risa Hontiveros
Plenary Debates on the 2025 National Budget (PSA and NEDA-attached agencies)

Senator Risa Hontiveros (SRH): So Madam Chair, sa hearings po natin kay Guo Hua Ping, lumabas ang abusong ginagawa sa late registration para makakuha ng pekeng Filipino citizenship ang mga dayuhang may masamang balak dito. Nag-conduct po ba ng internal audit o investigation ng PSA sa mga pekeng birth certificate na ito, Mr. President?

Sen. Poe: Update on the birth certificates, Mr. President. 1,627 birth certificates of foreign nationals were blocked by the PSA after its investigation, finding the documents to be spurious. The names of foreign nationals were shared to the BI, DFA, and NBI. But from what I know, out of those numbers, let's see, 18 were endorsed to the OSG for cancellation. And then, so 18 pa lang yun ay endorsed for cancellation. Kasama na dito yung kay Guo Hua Ping.

SRH: Salamat, Madam Chair. That's a start. Sa isa sa mga naunang hearings natin, sinabi na po ng PSA that they determined na ang birth certificate na kuha through late registration ni Guo Hua Ping ay irregular. So I suppose now the updated or the official term is "spurious." So it's a start - 1,627 birth certificates blocked because deemed spurious, at 18 pati na yung kay Guo Hua Ping, endorsed sa OSG para sa cancellation, para ma-actionan na rin po ng constitutional body na iyon.

At maigi din po na sinishare po itong mga ganito para pagtutulungan ng iba't iba nating mga law enforcement and intelligence agencies. Para mafacilitate, hindi na yung tinatawag na compartmentalization ng intelligence, which reached absurd ends doon sa kaso ni Guo Hua Ping pero mas maficilitate yung pagtutulong ng iba't iba nating law enforcement and intelligence agencies.

Sen. Poe: I commend our colleague here, the good Senator Risa Hontiveros, for focusing on this problem that, if we didn't really investigate the issue on the POGO, these other problems wouldn't have come to light. Imagine, 1,600 na yung nakapag-rehistro na over 18 years old. Wala man lang kaduda-duda. Siguro, dapat din natin ma-follow up, anong nangyari dun sa mga civil servants na yun na pumayag na sila ay marehistro?

SRH: Actually, Madam Chair, na-anticipate nyo yung susunod kong tanong follow-up question. Pero bago yung follow-up question na yun, gusto ko rin pasalamatan lahat ng mga colleagues natin na nagtutulong-tulungan para mas gawing tapat sa tamang proseso, requirements at iba pa yung ating late registration of live birth.

At ito yung isa pang pahuling tanong ko mamaya-maya, dahil ito ay proseso na kinakailangan din naman nung iba nating mga kababayan na in good faith at wala pong masamang balak, mga totoong Pilipino. Kaya lang kinakasangkapan yung proseso yun ng mga di naman totoong Pilipino at may masamang balak nga.

So muli, marami salamat sa marami natin mga kasama dito na nagtulong-tulungan sa prosesong ito ng pag-iimbestiga ng POGO at pati itong usapin ng pagkasangkapan sa late registration of live birth. Marami po sa ating mga kasamahan and syempre special mention kay Senator Sherwin Gatchalian.

So, dun sa naanticipate niyo nga ang tanong ko, Madam Chair, paano naman po pananagutin yung mga opisyal na kasabwat sa pamemeke ng birth certificate, Mr. President?

Sen. Poe: Okay, so the names of those government workers were submitted to the mayor of that town, but alongside with it, simultaneously, there's also an investigation by the NBI.

SRH: Salamat, Madam Chair, and actually naalala ko po, bukod sa NBI, may iba pang mga importanteng department at ahensya ng ating gobyerno, and if I remember correctly, sa isang kaugnay na hearing, nasabi din po yata ng resource person mula sa DILG na naghihintay sila at naghihingi ng posibleng mga pag-amyenda din sa Local Government Code, para mas magkaroon sila ng mandato, imbestigahan at kung kakailanganin, disiplinahin ang sino mang tiwaling local government officials - na sa halip na bantayan ang integridad ng ganitong mga proseso tulad ng late registration of live birth ay nagiging kasabwat pa nga dahil pinoproteksyonan nila yung mga criminal activities na nabibigyang daan sa ganitong pagkasangkapan ng dapat sagradong birth certificate bilang Pilipino.

Sen. Poe: Tama. I mean, papaano naman tayo? I mean, napakahirap kumuha ng birth certificate ha. Tapos itong mga ito parang sa isang iglap. Ganun lang. Diba? Ewan ko ba, may mga litrato ba tayo nitong mga nakakuha na ito?

SRH: Ng mga nakakuha nitong mga pekeng birth certificate?

Sen. Poe: Oo, Mr. President. Meron ba?

SRH: Well, I hadn't prepared any for this interpellation, Madam Chair.

Sen. Poe: But did you have it?

SRH: Di pa nga eh, may mame-make available po ba ng PSA sa atin sa pamamagitan ng Chair? Yung 1,627 na iyon?

Sen. Poe: Okay, so we will ask the Bureau of Immigration, actually we're going to have a hearing with the DOJ. We'll ask them to submit to the committee, not naman for presentation, but for FYI, yung mga litrato na mga yan, kasi gusto akong malaman kung, di ba, kung talagang gumamit sila ng sound judgment, di ba, sa pag-determina. Kasi iba-iba naman yung mga itsura din ng Pilipino, di ba? Hindi naman natin masasabi, but together with the physical appearance is also their knowledge of the culture, or also how they speak. I mean, it's all, it's not just one category. Lahat yan may mga titignan.

SRH: Salamat Madam Chair, Mr. President. At ito, yung sunod kong tanong, kaugnay nga nung isang pinag-usapan namin, ngayong-ngayon lang ni Madam Chair. Alam po nating mahalaga ang late registration at kailangan ito na mga kababayan nating nakatira sa malayong lugar o hirap ang access sa mga opisina ng PSA. Pero ayaw rin naman natin, ganun lang kadaling gamitin ito para manloko. So may balak po bang reporma ang PSA para balansehin ang mga interest na ito, Mr. President?

Sen. Poe: So they issued now a memo circular requiring them to submit an ID picture already together with their biometrics for the national ID.

SRH: Salamat, Madam Chair. At sana po sa pag-require ng ganitong mga dagdag na submissions o requirements, pantay pa rin at patuloy isaalang-alang minsan hindi ganoong kadali tulad ng para sa atin halimbawa na nakatira dito sa siyudad, para naman sa mga kababayan natin na totoong Pilipino tapos dahil sila nga ay nasa mga GDA areas, Geographically isolated and disadvantaged, o kaya mga victim survivors ng sakuna, na nawala lahat ng mga ID nila, o di kaya mga katutubong Filipino, yun, sana patuloy pa rin isaalang-alang, ifacilitate po ng PSA na itong mga kababayan nating mas hirap mag-fulfill ng requirements, ay makakuha pa rin ng birth certificate na kanilang kailangan.

Sen. Poe: Actually, Mr. President, I understand also na talagang may mga nangangailangan yan. But to be fair to the PSA, they reviewed using data analytics, 14.89 million late registrations submitted from 2010 to 2024. So 14 years. Pero ganun karami yung nag-submit. So tingnan na lang natin kung sino talaga dun yung makatotohanan yung impormasyon. 50,532 birth certificates or 0.34% are being audited by PSA personnel. So yun yung medyo siguro kailangan bigyan ng mas masusing attention.

SRH: It's mathematically parang maliit na porsyento. Pero na-appreciate ko po Madam Chair yung kamasinop ng PSA sa review na ito. Kaya rin siguro sila nakapag-produce sa unang batch ng 1,627 spurious birth certificates na kanilang binlock. Hindi po madali. Pambihirang makapag-review ng higit 14 milyon na mga birth certificates at pagtukoy ng 50,000 sa mga ito.

I hope na itong ginagawang, sa pamamagitan ng kanilang audit, itong ginagawang audit ng PSA ay magsilbing isang best practice, magandang huwaran din sa iba nating mga ahensya na higpitan talaga yung pag-protekta sa integridad ng mga procedures natin at yung mga naibubunga nitong mga dapat na official at makatotohanang mga dokumento and I think Madam Chair, this voluminous hardwork bodes well also na pinapangarap natin across agencies na digitization ng government documents at paggawang electronic ng mas maraming mga proseso natin.

At yung pangarap din natin na magkaroon ng consolidated database, yung mga magkakatulad na ahensya para mas madaling mag-cross-check, mag-cross-reference. Tulad nung itinatanong din natin, Madam Chair, noong mga nauunang pagdinig tungkol sa POGO, na bakit may iba't ibang nag-i-issue ng ganito't ganyang dokumento pero hindi nila ma-cross-check sa isa't isa kung totoo ba itong taong ito na may hawak ng isa o ilang mga ID natin. So pagpupugay po sa PSA Madam Chair sa pamamagitan ninyo para sa ganitong napakalaking at maramihang trabahong ito.

May efforts din po ba, Madam Chair, ang PSA para padaliin din yung access sa lahat ng Pilipino, mga totoong Pilipino para hindi na ganoong kahirap ang at least original regsitration ng birth certificate, Mr. President?

Sen. Poe: Eto ha, is actually very proactive, there are about 1,214,531 individuals verified or having no official birth records in the PSA database of which 426,035 individuals were registered under BRAP or 35.1% of the verified no birth record individuals. This accounts for 21.3% of the 2 million target registrants. With this number, the PSA has issued 197,012 certificates of live birth in security paper or 46.2% of the registered records.

So, hinanap sila talaga physically, pinuntahan sila dun sa mga probinsya, dun sa mga barangay nila para madala sila sa civil registrar at matulungan silang mag-register. So this is as of...

Sen. Gatchalian: We recognize Senator Francis.

Sen. Tolentino: Just to interject, with the permission of the two ladies. Ilan po kaya dito ang mga kapatid nating Muslim doon sa sinatrak nila? Because I understand, Mr. President, iba po yung registration process ng ating mga kapatid na Muslim.

Sen. Poe: Sa BARMM alone, sila yung inakamalaki na walang registration. So there are about 400,000 of them. So they're working with the local Office of the Peace Process para ma-register sila. Kasi syempre, this is also very sensitive, no? That area, a lot of them are returnees and their families.

Sen. Tolentino: And I understand, Mr. President, the newly created Sharia Courts would be able to address this backlog if I'm not mistaken?

Sen. Poe: They're also working with the Sharia Courts to help out with the process.

Sen. Tolentino: Thank you, Mr. President.

SRH: Salamat, Mr. President, at salamat sa Majority Leader. And muli, Madam Chair, gusto ko rin magpasalamat sa PSA na gaya ng sinabi nyo, hinanap nila yung mga kababayan natin na

posibleng at na-verify nilang wala pa rin original registration ng birth certificate hanggang sa ngayon.

Baka sa atin, tinitake for granted natin na lalo na kung naipapanganak tayo sa ospital, or kahit home-based birth pero nire-rehistro tayo ng kumadrona na nakakakuha ka agad automatically ng birth certificate. Pero para sa maraming kababayan pala natin, yung isang milyong nahanap na ng PSA, yung 400,000 dun sa BARMM, eh napakahalagang dokumento talaga at pala ito.

Nakikipagtrabaho, halimbawa yung opisina ko ngayon, Madam Chair, sa isang NGO na ang pangalan na IDEALS, at talagang, ayan, katrabaho po nila ang PSA. At talagang may pamagat sila sa birth certificate na parang "passport sa buhay." Kasi ito po'y dokumento na patunay ng pagkakilanlan sa isang tao bilang mamamayang Pilipino kaya may entitlements sa karapatan, sa benepisyo, sa social protections, at pagkakataon sa pagunlad sa buhay ng bawat mamamayan.

So huli na siguro Madam Chair, ito tinatanong ko dahil may natanggap po kasing request for assistance ang opisina ko na isang letra lang ng middle name ang mali ang spelling, pero hirap na hirap siyang ipakorek ito - at talagang apektado ang buhay niya. Pwede niyo po bang linawin, Madam Chair, ang proseso at requirements sa administrative correction ng birth certificate?

Sen. Poe: Ganito po yun. Kung kunwari, merong problema. It's an administrative matter, obviously. But if they are far from their province, let's say, kasi they have to go to their local civil registrar, they can avail of going to the PSA office in Quezon City at tapos sila na makikipag-coordinate doon sa probinsya nila.

Okay, so they can go to any PSA provincial office. So if they're in another town or province or region, they can go to the local PSA to make that correction. Pero anong ngang tawag doon? Basta lalapit lang sila. Administrative correction process. Anong kailangan nilang gawin? Okay. So, additional proof of the correct name, baptismal records, maybe school records, employment ID. Kasi kung pareho lang naman ang mukha, di ba? Ang medyo weird lang kung lalaki tapos babae yung nagpapalit ng pangalan.

Okay, normally it's expected. There are certain letters that are easily misread or even cut. I have a side story about that, my friend. Anyway, huwag na dito.

SRH: Hihintayin ko yung side story, Madam Chair, kahit mamaya or sa susunod na araw. Salamat po. And I suppose whatever the circumstances of our citizens, no matter how unfamiliar they may be to us now, inaasahan po natin na yung mga attached agencies ng ating gobyerno ay nage-evolve over time at magiging mas inclusive.

Para kung ano yung entitlements ng mamamayan, halimbawa birth certificate, ay yun na nga po, nag-evolve para maipaabot yung serbisyong iyon dun sa nararapat at may karapatan po dun.So, yun lamang po, Madam Chair. Maraming salamat. Salamat din po sa PSA. At maligayang bati muli kay Sec Arsi. Salamat po, Mr. President.

Sen. Poe: Actually nagsama yung dalawa, si Senator Risa and si Senator Sherwin, na talagang pagsisikap ninyo, at sa pagtutok niyo sa mga nakaraang administrasyon, ay talagang maraming pagbabagong naidulot - na isang buong industriya, na hindi naman nakakabuti sa atin, nawala na, at pangalawa, nabuhay at napansin natin itong isyu na ginagamit pala ang ating sistema na nagpaparehistro, pero hindi naman. So maraming salamat, Mr. President, sa inyong dalawa.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release